hindi ako masyadong madramang tao. I don't like too much drama in my life. I'm not saying that sadness or loneliness is a no-no. Actually, i encourage my students to come to terms with their negative feelings eh. i just don't think it's necessary to always dwell on them. Sayang, maikli lang ang buhay...masasayang sa sobrang kadramahan. Pero syempre, may panahon talagang kung tawagin ay "blues" kung saan gusto mo lang magpaka-senti, makinig sa heartbreaking songs, humiga, patayin ang ilaw at magdrama... I need those moments din naman. Yun nga lang, yoko ng puro ganun lang at laging ganun lang. Pero and contradicting nga eh kasi counselor ako so buong araw, problema ng iba ang pinapakinggan ko...at well, nag-eenjoy naman ako. nafufulfill siguro kasi alam ko kahit papano, kahit sa simpleng pakikinig at pagtango lang e nakakatulong na ko sa iba.
Eto ha, kaw ba naman, imaginine mo, what if ang kasama mo buong araw ay isang taong wala ntg ginawa kundi mag-complain, sirain ang sarili o siraan ang ibang tao o mangchismis... buong araw!! hindi ka rin ba maririndi at magsasawa? ewan ko sanyo pero ako, hindi naman ako magpapaka-ipokrita at magmamagaling para sabihing kakayanin ko yun... I think there's a distinction between being there for them and them being over-the-top. Hindi din naman ako perpekto at santa para sabihing hindi ako nagrereklamo at nag-chichismis pero i know people don't want to talk about my problems everytime we see each other ot everytime we talk. Baka magkaron pa ng classical conditioning na pag nakita nila ko, problema kagad ang response nila..hehe. Yoko naman nun. Sana pag nakita nila ko, matuwa sila at mapangiti. yun ang gusto ko. Wala namang particular na tao o mga tao akong iniisip habang sinusulat ko toh. Naisip ko lang..in general baga. Hindi lang talaga ako madramang tao..inexpand ko lang yung first sentence ko. Paminsan, kala lang ng iba siguro.hahaha.